ACT-CIS kinondena ang ginawang hazing sa PMA cadet
(Pang-masa) - September 23, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Kinondena ng tatlo na mambabatas ng ACT-CIS Partylist ang pagkamatay ng isang bagitong kadete dahil sa hazing sa loob ng Philippine Military Academy (PMA) sa Baguio City.

Batay lumabas na me­dico legal report ng PNP, namatay si 4th class Cadet Darwin Dormotorio dahil sa bugbog kaya nagkaroon ng internal bleeding na siyang sanhi ng kanyang kamatayan.

Kaya naman nakatakdang maghain ng resolus­yon si Cong. Eric Yap para ipatawag ang mga opisyal ng PMA at magpaliwanag kung bakit nakalusot na naman sa kanila ang ganitong uri ng pang-aabuso, ga­yong bawal na ang hazing.

Tanong naman ni ACT-CIS 3rd Rep. Nina Taduran, “Hindi ba’t disiplina at pagsunod sa utos ng mga nakakataas ang itinuturo sa kanila sa PMA?

Aniya, kung ngayon na mga estudyante pa lamang ang mga ito pero abusado at barumbado na kung mag-isip, paano na lang kung sila ay ganap ng mga opisyal ng AFP.

Awang-awa naman si ACT-CIS 2nd Rep. Jocelyn Tulfo sa pamilya ng namatay na kadete.

“I am sure baka ayaw pa sigurong payagan ng ina ng biktima na umalis ang kanyang anak dahil mawawalay sa kanya ng matagal, tapos papatayin lang pala sa loob ng PMA. Kaya masakit sa pamilya ang nangyari”. wika ni Tulfo.

PHILIPPINE MILITARY ACADEMY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with