7 Chinese dinakip sa kidnapping
Danilo Garcia (Pang-masa) - September 23, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Inaresto ng mga tauhan ng PNP-Aviation Group ang pitong Chinese dahil sa umano’y pagtatangka nilang dukutin ang isa nilang kababayan sa NAIA Terminal 3, Pasay City, kamakalawa ng gabi.

Ang mga inaresto ay sina Jhong Ruei Yu; Zhang Lee;

Yang Shuwen;Wei Chong; Ziu Cheng; Chen Xian; at Qi Long.

Sa ulat ni Patrolman Ronald Bercasi, alas-6:21 ng gabi ay nakita niya ang isang komosyon sa Gate 7 Departure Curbside Area ng Terminal 3 at nakita niya ang mga suspek na pinipilit isakay ang isa nilang kababayan sa isang puting Toyota Grandia na may conduction sticker na VG8479.

Nagpasaklolo si Bercasi sa iba pang mga kasamahan at inaresto ang mga dayuhan na nakumpiskahan ng P260,252, mga pasaporte, cellphones, posas, iba’t ibang susi at mga identification cards.

Sa pamamagitan ng isang interpreter, natuklasan ang attempted abduction kaya’t isinailalim na ang mga suspek sa kustodiya ng PNP-AKG sa Camp Crame, Quezon City.

CHINESE KIDNAPPING
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with