P78 milyong pondo sa asf tiyaking ‘di masasayang
Malou Escudero (Pang-masa) - September 21, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nais ni Senator Imee Marcos sa Department of Agriculture na tiyaking hindi masasayang ang P78 milyong pondong inilaan bilang emergency fund para sa quarantine operations upang makontra ang pagkalar ng African Swine Fever (ASW) virus.

Sinabi ni Marcos na babantayan ng Senado ang paggastos ng pondo na inaprubahan ng Pangulo para sa Bureau of Animal Industry (BAI).

Idinagdag ni Marcos na dapat ding matiyak na mapapakinabangan ng  mga hog raisers ang pondo lalo na ang mga maliliit na backyard piggery sa lalawigan ng Rizal at Bulacan na kumpirmadong may ASF outbreak.

“Dapat tiyakin ng DA na hindi ito maibubulsa lang ng ilang tiwaling opisyal sa ahensya. Sana ay magastos talaga ang pondo sa pagsugpo ng ASF virus para hindi na maapektuhan pa ang ibang probinsya,”sabi ni Marcos.

Nauna rito, nangako si Agriculture Sec. William Dar na bibigyan ang hog raisers ng P3-libong cash assistance sa bawat baboy na pinatay sa lalawigan ng Rizal at Bulacan.

AFRICAN SWINE FEVER
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with