60 puno ng marijuana nakumpiska sa condo ng Chinese
Joy Cantos (Pang-masa) - September 21, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Tinatayang aabot sa 60-70 puno ng high grade marijuana na nakatanim sa mga paso ang nakum­piska ng mga otoridad nang sa­lakayin kamakalawa ng gabi ang condominium unit sa San Juan City ng isang hinihinalang Chinese drug trafficker.

Sa ulat, bandang alas-7:10 ng gabi nang magsagawa ng raid ang mga operatiba sa 4th floor at roof deck ng isang condominium sa 26 A, Rita Street, Brgy. Batis, San Juan City na nirerenta­han ng Chinese na si Aa­ron Huang mula sa isang tinukoy na Ming Uy, may-ari ng nasabing condominium na pinagha­hanap na ng pulisya.

Sinabi ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Director Major Gen. Guillermo Eleazar na ginagamit na “indoor cultivation” ng marijuana na itinuturing na pinakamalaki sa Metro Manila matapos ang unang pagkakadiskubre ng mga marijuana na nakatanim sa isang bahay sa Marikina City may ilang buwan na ang nakalilipas.

Ang nakumpiskang mga puno ng marijuana na nakatanim sa mga paso ay kasalukuyan nang iprinoproseso ng Crime Laboratory Service Team.

CHINESE DRUG TRAFFICKER
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with