Ito ay makaraang lumagda sa isang memorandum of agreement si Belmonte sa pagitan ng QC Division of City Schools, Philippine Dental Association-QC Dental Chapter, Novaliches Eye Center, QC Health Department, QC Medical Society Inc. para itaguyod ang natu­rang programa sa lahat ng mga pampublikong paaralan sa lungsod na may temang “Malusog na Kabataan, Maginhawang Kinabukasan”.
File
Public school health program inilunsad ni Mayor Joy
Angie dela Cruz (Pang-masa) - September 21, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Pormal nang nailun­sad kahapon ni Quezon City Mayor Joy Belmonte ang public school health program para higit na mapangalagaan ang kalusugan ng mga kabataang mag-aaral sa mga public schools sa lungsod.

Ito ay makaraang lumagda sa isang memorandum of agreement si Belmonte sa pagitan ng QC Division of City Schools, Philippine Dental Association-QC Dental Chapter, Novaliches Eye Center, QC Health Department, QC Medical Society Inc. para itaguyod ang natu­rang programa sa lahat ng mga pampublikong paaralan sa lungsod na may temang “Malusog na Kabataan, Maginhawang Kinabukasan”.

Nakapaloob sa natu­rang programa ang pag-iikot ng medical team sa mga public schools para magkaloob ng physical check up, dental check up at eye check up.

Oras na may makitang sakit sa mga bata ay ire­rekomenda sa ospital o health center para mapagkalooban ng libreng mga gamot batay sa panga­ngailangan ng sakit.

Target ni Belmonte na mabenepisyuhan ng programa ang may 250,000 public school kindergarten hanggang grade 4 pupil.

JOY BELMONTE
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with