51 babaeng Chinese sex workers nasagip sa prostitution den
Danilo Garcia (Pang-masa) - September 20, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Isang gusali na ginagawang sex den ng isang Chinese human trafficking syndicate ang sinalakay kamakalawa ng gabi sa Parañaque City at dito ay nasagip ang nasa 51 babaeng Chinese sex workers.

Sa ulat, alas-11:45 ng gabi nang salakayin ng mga tauhan ng Regional Special Operations Unit (RSOU) ang ikatlong pa­lapag ng Diamond Bay Tower na nasa Roxas Bou­levard sa Brgy. Baclaran, ng naturang lungsod.  

Dito naaktuhan ng mga pulis ang mga lala­king Chinese na kusto­mer at mga babaeng Chi­nese na nagtatrabaho bilang sex workers.

Kabilang din sa mga nadakip ang siyam na lalaking Chinese at apat na babaeng Chinese na mga tauhan ng sindikato.

May pito ring Filipina ang naaktuhan sa lugar na mga nagtatrabaho bilang utility workers­ na magsisilbing mga saksi laban sa sindikato.

Ayon kay NCRPO Director P/Maj. Gen Gui­llermo Eleazar na ang operasyon ay may kaugnayan sa unang sinala­kay na sex den sa Brgy. San Antonio sa Makati City nitong Setyembre 4.

Dito nakalap ang impormasyon ng iba pang sex den ng isang internasyunal na sindikato ng human trafficking.

Nagkasa ng casing at surveillance operation ang pulisya hanggang sa magpositibo ang lugar sa presensya ng mga sex for sale operations.

Isinasagawa umano ang transaksyon sa pa­mamagitan ng mobile application na “We Chat” na ginagamit sa booking ng sindikato at nagkakahalaga ang sex service mula P9,000 hanggang P21,000 kung saan sa 37 kuwarto at pitong VIP rooms ginagawa ang pag­­tatalik.

Ang mga nadakip ay kinasuhan ng human traf­ficking at prostitution.

CHINESE SEX WORKERS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with