Pekeng tangke ng LPG nagkalat sa 2 lalawigan
Mer Layson (Pang-masa) - September 18, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Kalat na umano sa merkado sa Pangasinan at Laguna ang mga pe­keng tangke ng Liquified Petrolium Gas (LPG) na kung hindi maaagapan ay lubhang mapanganib sa publiko at maaaring pagsimulan ng sunog.

Kaya naman sumulat sa Department of Energy at Malacañang ang pa­munuan ng WQSY Mar­keting para umaksiyon ang mga kinauukulang ahensya ng pamahalaan partikular na sa Depart­ment of Trade and Indus­try (DTI).

Sa sulat na ipinarating kina Usec. Atty. Ruth Castelo ng Con­sumer Protection Group at Director Ronel Abrenica ng Fair Trade and Enforcement Bureau, pinangalanan ang pekeng LPG cylinders na tumitimbang na 2.7 Kg at 11 Kg na walang tatak na PS Mark, ICC at ilang mandatory markings.

Tinutukoy sa sulatang LPG na “Speed Gaz” na sinasabing nag­mula sa China at sa Pili­pinas lang binubuo at pagpipintura na hindi umano sumailalim sa masusing pagsusuri ng kinauukulang ahensya ng pamahalaan partikular ang Phil. National Standard.

Kahit na naabisuhan ang mga mamimili na may nakaambang peligrosa kanilang buhay ay patuloy pa ring tinatang­kilik dahil sa mababa ang presyo.

LIQUIFIED PETROLIUM GAS
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with