^

Police Metro

Manila resto grinanada

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines — Isang seafood restau­rant ang nawasak matapos na hagisan ng granada ng isang rider na ikinasugat ng isang lalaki naganap kamakalawa sa San Miguel, Maynila.

Ang biktima na dinala sa isang ospital ay nakilalang si Macario Tinio, 59, ng 514 4th Street, C. Aguila, San Miguel, Maynila.

Sa ulat, dakong alas-3:30 ng hapon nang ha­gisan ng granada ang C-Foods Resto sa 5th Street, Concepcion Aguila, San Miguel na kung saan ay nawasak ang mga glass panel.

Nakunan ng closed circuit television (CCTV), ang lalaking suspek habang tumakas sakay ng  motorsiklo na hindi na­muk­haan dahil sa suot na helmet.

Sinisilip sa imbestigasyon ang isyu ng ing­gitan sa negosyo dahil maraming parukyano ang nasabing seafood resto kumpara sa ibang tulad na establisyemento sa lugar.

Isa pang inaalam kung may kinalaman sa mga nagtanim ng sama ng loob na mga manggagawa na sinibak kamakailan.

May ilang linggo pa lamang umano ang nakalipas nang hagisan ng martilyo ang window glass kaya’t nabasag at bukod sa pagbabanta umano sa text messages na natatanggap ang may-ari ng nasabing resto.

vuukle comment

HAGISAN NG GRANADA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with