^

Police Metro

Titser niratrat, todas

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Isang lalaking daycare teacher ang nasawi matapos ratratin ng ‘di pa natutukoy na mga salarin habang nasa loob ng kanyang tahanan sa Brgy. Pajac, Lapu-Lapu City, Cebu nitong Sabado ng madaling araw.

Ang 43-anyos na nasawi ay kinilalang si Benjamin Rosales, guro sa Sacred Heart Day Care Center sa Sacred Heart Village sa naturang barangay.

Tatlong tama ng punglo sa iba’t-ibang bahagi ng katawan ng biktima ang naging sanhi ng agaran nitong pagkamatay. Sa ulat, nangyari ang krimen bandang ala-1:00 ng madaling araw sa tahanan ng biktima.

Ayon sa imbestigasyon, nagulantang ang biktima na noon ay mahimbing na natutulog sa malalakas na katok sa kanilang pintuan at nang buksan ay sinalubong ito ng pamamaril ng mga suspek.

Ang mga suspek ay mabilis na tumakas matapos ang insidente na sinamantala ang kadiliman ng paligid.

Narekober naman ng mga nagrespondeng Scene of the Crime Operatives (SOCO) team ang mga basyo ng bala ng hindi pa natukoy na kalibre ng baril.

Nagsasagawa na ng masusing imbestigasyon ang mga otoridad sa naturang pamamaslang.

vuukle comment

PATAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with