2 obrero patay, 1 kritikal sa salpok ng Nigerian missionary

MANILA, Philippines — Dalawang obrero ang nasawi habang ang isa nilang kasama ay nasa kritikal na kondisyon matapos na sila ay salpukin ng isang kotse na minamaneho ng isang Nigerian, kahapon ng madaling araw sa kahabaan ng Arnaldo Highway, Brgy. Pasong Camachile, Gen. Trias City, Cavite.

Ang dalawang nasawi ay kinilalang sina Roderick Silvirio Dela Rosa, 47; at Nico Felicilda Pajaron, 18, kapwa residente ng Sitio Tirona, Brgy.Santiago ng lungsod. Habang ang nasa kritikal na kalagayan ay kinilalang sa alyas Raz, 17.

Naaresto ang suspek matapos ang ilang minu-tong habulan na kinilalang si Oluwafemi Ogunrinde, 28, Nigerian national, missionary ng B4, L10 Lancaster New City, Navarro Gen. Trias City, Cavite.

Sa ulat, bago nangyari ang insidente, alas-2:45  ng madaling araw sa kahabaan ng nasabing highway ay kasalukuyan nagkakabit ng warning signage sa manhole ang mga biktima nang sila ay salpukin ng Nissan Sentra (UEA-552) na mi­namaneho ng suspek.

Sa lakas nang pagkakasalpok ay nalasog ang mga katawan ng biktima na kung saan agad namatay sina Dela Rosa at Pajaron habang malubhang nasugatan si Raz.

Sa halip na huminto ang suspek ay tumakas ito kaya’t ito ay hinabol hanggang sa makorner sa tapat ng Liora Homes Subdivision.

Show comments