Pamangkin tinodas, tiyuhin nag-suicide
Ludy Bermudo (Pang-masa) - August 26, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Binaril muna ang isang 64-anyos na taxi driver ng kanyang tiyuhin na 72-anyos bago ito nagbaril sa sarili kahapon ng umaga sa harap ng kanilang bahay sa Pa­n­dacan, Maynila.

Namatay noon din dahil sa tama ng bala sa ulo at dibdib ang biktimang si Eduardo Magalona, ng Interior 22, Dapo St., Pandacan, Maynila at maging ang suspek na tiyuhin nito na si Arnulfo Gaton, 72, ng nasabi ring tirahan at dating overseas Filipino worker ay namatay noon din dahil sa tama ng bala sa ulo.

Sa ulat ng MPD-Homicide Section, bago naganap ang krimen dakong alas-8:40 ng umaga ay nagdidilig ng halaman ang biktima nang lapitan ng kanyang tiyuhin ay malapitang binaril sa ulo at dibdib. 

Nang bumagsak at nakitang patay na ang biktima ay binaril din ng suspek ang sarili.

Nabatid na matagal nang may alitan ang magtiyuhin at naungkat ay kapwa naghatingan ang dalawa.

TAXI DRIVER
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with