Sa ulat, alas-10:30 ng umaga nang rumesponde ang mga tauhan ng Malabon City Police sa sumbong ni Josefina Nual, 45, at mister niyang si Ramir Nual, ng pagbabanta sa kanila at pangongotong ng suspek.
File
‘Killer-for-hire’ todas sa shootout
Danilo Garcia (Pang-masa) - August 26, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Isang lalaki na itinuturong isang “killer-for-hire” ang napatay nang ito ay manlaban sa mga pulis na rumesponde sa sumbong ng isang babae ng pangongotong sa kanya, kamakalawa ng umaga sa Malabon City.

Kinilala ang napatay na suspek na si Ri­chard Delos Reyes, alyas “Taguro/Mata”, nasa hustong gulang, obrero at nakatira sa Damata Compound, Brgy. Tonsuya, ng naturang lungsod.

Sa ulat, alas-10:30 ng umaga nang rumesponde ang mga tauhan ng Malabon City Police sa sumbong ni Josefina Nual, 45, at mister niyang si Ramir Nual, ng pagbabanta sa kanila at pangongotong ng suspek.

Nang dumating sa bahay ng mga biktima sa may M. Aquino Street, Barangay Niugan ay bumunot umano ng baril ang suspek at pinaputukan ang mga pulis. 

Gumanti ang mga pulis at tinamaan ng bala si Delos Reyes na dinala sa ospital, subalit idineklarang dead on arrival.

Ang suspek ay naka­tala na drug user sa illegal drug watchlist sa lungsod at may dating kasong “murder” bilang isang “gun-for-hire” ngunit na dismis ng korte.

KILLER-FOR-HIRE
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with