Tapyas-presyo sa petrolyo

Sa pagtataya ng independent oil player na Jetti, maaaring maglaro mula P.10-P.15 sentimos kada litro ng diesel at P.20-P.25 sa kada litro ng gasolina ang maaaring ibaba. Tinataya naman na nasa P.10-P.15 sentimos kada litro ang ibababa sa kerosene.
File

MANILA, Philippines — Makakaranas ng maliit na halaga ng rolbak sa presyo ng petrolyo ang mga motorista ngayong dara­ting na linggo, ayon sa mga oil experts.

Sa pagtataya ng independent oil player na Jetti, maaaring maglaro mula P.10-P.15 sentimos kada litro ng diesel at P.20-P.25 sa kada litro ng gasolina ang maaaring ibaba.  Tinataya naman na nasa P.10-P.15 sentimos kada litro ang ibababa sa kerosene.

Maaari pa namang mabago ang presyo ng ibababa sa petrolyo depende sa kalakalan at ibabase sa cut-off nitong Biyernes (Agosto 23) na hindi agad nakakasama sa komputasyon.

Karaniwang isinasagawa ang pagbabago sa presyo ng petrolyo tuwing Martes ngunit may ilang mga kompanya ng langis ang nauuna na sa kumpetisyon.

Sa datos buhat sa DOE, nasa P4.85 kada litro sa gasolina at P3.45 sa kada litro ng diesel na ang kabuuang itinaas sa presyo mula nitong Enero 2019.

Show comments