^

Police Metro

Dating barangay chairman itinumba

Jorge Hallare - Pang-masa

MANILA, Philippines — Isang dating barangay chairman na sumuko na noon sa Oplan Tokhang ang nasawi nang ito ay pagbabarilin ng mga suspek na lulan ng isang van sa kahabaan ng provincial road sa Purok-3, Brgy.Banao, Guinobatan, Albay kamakalawa ng hapon.

Nasawi noon din dahil sa mga tama ng bala sa katawan ang biktimang si Rolando Villa Mijares, drug surrenderee, residente ng Brgy. Bubulusan.

Sa ulat, dakong alas-4:00 ng hapon, lulan ng kanyang motorsiklo ang biktima mula sa Brgy.Banao patungo sana sa Brgy. Inascan nang sundan ng isang Toyota Hi-Ace Van.

Pagdating sa may bahagi ng inaayos na kalsada ay ginitgit ang motorsiklo ng biktima ng van dahilan para matumba ito sa ginagawang kalsada at bago pa nakatayo ay agad siyang pinagbabaril ng mga suspek.

Matapos na masigurong patay na ang biktima ay tumakas ang gunmen patungo sa direksyon ng Brgy. Inascan.

vuukle comment

CRIME

OPLAN TOKHANG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with