Mister pinasok sa bahay bago niratrat
Mer Layson (Pang-masa) - August 18, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nasawi noon din ang isang mister nang pasukin saka niratrat ng dalawang ‘di pa natutukoy na suspek sa loob ng kanyang tahanan sa Antipolo City, kamakalawa ng gabi.

Sanhi ng mga tama ng bala sa ulo at katawan, dead-on-the-spot ang biktimang kinilalang si Edgar Manuel, nasa hustong gulang, may asawa.

Batay sa ulat ng Antipolo City Police, dakong-10:30 ng gabi nang maganap ang krimen sa loob ng tahanan ng biktima sa Sitio Inaldan, Brgy. Bagong Nayon 1, sa naturang lungsod.

Kasalukuyan na umanong nagpapahinga ang biktima sa kanyang bahay nang bigla na lang puwersahang sirain ng mga salarin ang pinto ng tahanan at kaagad na pinagbabaril ang nabig­lang biktima.

Nang matiyak na napuruhan ang target ay mabilis nang tumakas ang mga suspek sa ‘di nabatid na direksyon.

Patuloy ang imbestigasyon ng mga otoridad sa naturang pamamaslang.

KRIMEN
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with