Sa ilalim ng panukala, itataas sa P6.60 ang excise tax na ipinapataw sa mga alcholic drinks kumpara sa kung ano ang ipininapatupad sa ilalim ng Republic Act 10351 o ang Excise Tax Reform Law on Tobacco and Alcohol.
File Photo
Dagdag-buwis sa alak, aprub na
Gemma Garcia (Pang-masa) - August 14, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Lusot na sa House Committee on Ways and Means ang panukalang batas na nagtataas ng buwis sa mga inuming nakakala­sing sa bansa.

Sa botong 43-Yes at 0-No lumusot sa komite ang House bill 1026.

Sa ilalim ng panukala, itataas sa P6.60 ang excise tax na ipinapataw sa mga alcholic drinks kumpara sa kung ano ang ipininapatupad sa ilalim ng Republic Act 10351 o ang Excise Tax Reform Law on Tobacco and Alcohol.

Naging mabilis naman ang pagpasa sa komite ng panukala matapos nilang igiit ang Rule 10 Section 48 ng House Rule kung saan nakasaad na ang naaprubahang panukala sa ikatlong pagbasa noong 18th Congress ay isang hearing na lamang ang kailangan para maiakyat sa plenaryo.

Kapag naging ganap na batas magkakaroon ng ad valorem rate na 22 % kabilang na ang specific tax rates per proof liter ng P30, P35, P40 at P45.

Sa kasalukuyang RA 10351 ang mga alak ay mayroong P22.40 specific tax at ad valorem tax na 20 percent.

Bukod dito inaprubahan din ang P650 unitary rate para sa mga sparkling wines at itinaas naman sa P2.10 ang buwis sa mga still at carbonated wines, habang ang may alcohol content na mas mataas sa 14 percent ay may P4.10 na pagtaas.

Ang inaprubahang tax rate naman para sa fermented liquors ay tinaas sa P2.60.

BUWIS HOUSE COMMITTEE ON WAYS AND MEANS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with