Obrero inatado ng saksak sa lalamunan
Mer Layson (Pang-masa) - August 14, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Naliligo sa sariling dugo at tadtad ng saksak sa lalamunan ang isang construction worker nang datnan ng nobya nito sa kanyang tahanan sa Quezon City, kahapon ng umaga.

Ang biktima ay kinilalang si Ronald Sepida Valdez Jr., 26-anyos, residente ng No. 141 Blessing St., Area 6, Brgy. Bagong Silangan, sa naturang lungsod.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-8:00 ng umaga nang matagpuang tigmak sa dugo at wala nang buhay ang biktima ng kanyang nobya na si Jeraldine Tolentino.

Ayon kay Tolentino, nagpupunta siya sa tahanan ni Valdez para bumisita ngunit nanlumo ito nang matagpuang patay na ang kanyang nobyo dahil sa maraming saksak sa lalamunan.

Agad na humingi ng saklolo sa mga barangay officials si Tolentino na siya namang tumawag ng pulis para maimbestighan.

Sa ngayon ay blangko pa ang mga otoridad kung sino ang may kagagawan ng krimen at ano ang motibo.

RONALD SEPIDA VALDEZ JR
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with