Sa ulat ng Parang-PNP, dakong alas-7:00 ng umaga habang kinukunan ng mugshot at finger print ang suspek bilang bahagi ng booking process nang bigla nitong hablutin ang baril ng isang babaeng pulis na pansamantalang ‘di muna tinukoy.
File
Rapist nang-agaw ng baril, bulagta
Joy Cantos, Rhoderick Beñez (Pang-masa) - August 13, 2019 - 12:00am

Habang kinukunan ng mugshot…

MANILA, Philippines — Bulagta ang isang rape suspect matapos umanong mang-agaw ng baril at makipagbarilan sa loob mismo ng presinto habang sugatan naman ang isang babaeng pulis na inagawan ng baril naganap sa bayan ng Parang, Maguin­danao, kamakalawa ng umaga.

Naisugod pa sa pa­gamutan ang suspek na si Datu Mohamad Akmad, 46-anyos na taga-Brgy. Manion ng nasabing bayan, pero binawian din ito ng buhay habang nilalapatan ng lunas.

Sa ulat ng Parang-PNP, dakong alas-7:00 ng umaga habang kinukunan ng mugshot at finger print ang suspek bilang bahagi ng booking process nang bigla nitong hablutin ang baril ng isang babaeng pulis na pansamantalang ‘di muna tinukoy.

Dahil dito ay nagkaroon ng komosyon sa loob ng nasabing himpilan kung saan ipinutok ng suspek ang armas sa babaeng pulis at iba pa nitong mga kasamahan na agad namang ginantihan ng iba pang pulis na nagresulta sa pagkamatay ng suspek.

Nabatid na bukod umano sa kinakaharap na rape case ay may nauna ng mga nabiktima ng panggagahasa ang suspek kabilang na ang misis ng kanyang stepson.

RAPE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with