GCash humakot ng awards mula sa Bangko Sentral

MANILA, Philippines — Dahil sa makabago at transpormatibo nitong digital financial services ay hinirang ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang G-Xchange Inc. bilang kanilang “Outstanding Partner for Digital Transformation” at “Outstanding Partner for Innovative Financial Services” para sa 2019

Bukod sa dalawang award, naging finalist ang G-Xchange para sa mga kategoryang “Outstanding Partner for Digital Excellence” at “Top Instapay Volume Contributor.” 

Isa ang G-Xchange – sa pamamagitan ng GCash – sa mga nakapag-aambag nang malaki sa Instapay o real-time electronic retail payments sa ilalim ng National Retail Payment System Project ng BSP.

Sa nakuhang awards, binigyang-diin ng Mynt CEO na lalong tumibay ang posisyon ng GCash bilang nangungunang mobile wallet sa bansa na naghahain ng makabagong teknolohiya na tunay na tumutugon sa mga pangangailangan ng mahigit 20 milyong GCash users pagdating sa iba’t ibang digital financial service.

Tulad sa bangko, kompleto ang mga serbisyo ng GCash dahil mayroon itong GCredit (para sa credit), GSave (para sa savings), Invest Money (para sa investment), at GCash Insure (para sa insurance) na nakatutulong sa maraming Pilipino na walang bank account at mababa ang credit score.

 

Show comments