Ginang tiklo sa P2.6-M shabu sa Navotas
Danilo Garcia (Pang-masa) - July 17, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Isang ginang na drug pusher ang naaresto ng mga otoridad sa isang buy-bust operation at nasabat ang nasa P2.6 milyong halaga ng shabu sa kanyang bahay sa Navotas City, kamakalawa ng tanghali.

Ang nadakip na suspek ay kinilalang si Monalisa Doria, alyas “Holy”, 44, nakatira sa Block 38, Lot 1 Carnation St., Brgy. NBBS Proper, ng lungsod.

Sa koordinasyon sa Phi­lippine Drug Enforcement Agency (PDEA), naga­wang makipagtransaksyon ng isang tauhan ng NPD-Drug Enforcement Unit sa ginang para makabili ng malaking halaga ng shabu.

Ang bilihan ay isinagawa sa loob mismo ng bahay ng suspek dakong alas-12:00 ng tanghali nitong Lunes at matapos ang transaksyon ay dito na pi­nasok ng mga otoridad at inaresto si Doria.

Nakumpiska ng mga pulis ang dalawang maliit na plastic sachet na ibinenta ng suspek sa buyer na may halagang P2,000 at limang medium size na plastic knot tie bag na nag­lalaman ng tinatayang 382 gramo ng shabu na may street value na P2,597,600.

ILLEGAL NA DROGA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with