Ayon kay Eleazar bagama’t hindi ipinagbabawal ay mas makakabuti para sa mga magra-rally na huwag magdala ng mga malalaking bag at jacket upang makaiwas ang mga ito sa abala kapag sinita at ininspeksyon ng mga otoridad.
Presidential Photo
Malaking bag, jacket ’wag dalhin sa SONA rali
Joy Cantos (Pang-masa) - July 16, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — “Huwag magdala ng malalaking bag at jacket sa gaganaping demonstrasyon kaugnay ng gagana­ping ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Hulyo 22 ng taong ito”.

Ito ang naging pakiusap kahapon ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Director Police Major Gen. Guillermo Eleazar sa mga pro at anti-Duterte groups.

Sinabi ni Eleazar na ito’y bahagi ng security precautions sa SONA ng Pangulo dahilan maaring may mga grupong magsamantala na pagsidlan ng armas at pampasabog ang mga jacket at malalaking bag.

Ayon kay Eleazar bagama’t hindi ipinagbabawal ay mas makakabuti para sa mga magra-rally na huwag magdala ng mga malalaking bag at jacket upang makaiwas ang mga ito sa abala kapag sinita at ininspeksyon ng mga otoridad.

Nakatakdang magdeploy ng 12,000 pulis habang  karagdagang 3,000 pang augmentation team at Task Force multipliers kabilang ang tropa ng mga sundalo kung saan 7,500 dito ay magbabantay sa kahabaan ng Commonwealth Avenue at Batasan Complex.

Sinabi pa ni Eleazar na wala silang inaasahang kaguluhan sa araw ng SONA dahil nagkasundo na ang mga pro-at anti-Duterte rallyists sa kanilang pupuwestuhan sa kahabaan ng Commonwealth Avenue sa Quezon City.

STATE OF THE NATION ADDRESS
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with