Idinagdag ni Cordoba na natupad din ang pa­ngako sa SONA ni Duterte na magkakaroon ng ikatlong telco sa industriyang pinoprotektahan ng duopoly para matiyak ang pagpasok ng MISLATEL na magkakaloob ng mabilis na internet services sa abot-kayang presyo.
File
Pangako ni Duterte natupad sa huling SONA
(Pang-masa) - July 13, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Tinupad ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang pangako sa huling State of the Nation Address (SONA) niya na magkakaroon ng bagong major player sa telecommunications industry sa inisyung Certificate of Public Convenience and Necessity Issuance Ceremony (CPCN) sa Malacañang kamakailan.

Personal na sinamahan si Duterte nina NTC Commissioner Gamaliel A. Cordoba at Department of Information and Communications Technology (DICT) Sec. Gregorio B. Honasan II sa pagkakaloob ng CPCN kay MISLATEL Chairman Dennis Uy.

Idinagdag ni Cordoba na natupad din ang pa­ngako sa SONA ni Duterte na magkakaroon ng ikatlong telco sa industriyang pinoprotektahan ng duopoly para matiyak ang pagpasok ng MISLATEL na magkakaloob ng mabilis na internet services sa abot-kayang presyo.

Sa pag-isyu ng CPCN, binigyan ng NTC ang MISLATEL ng lisensiya na mag-operate ng frequency bands 700 megahertz (MHz), 2100 MHz, 2000 MHz, 2.5 gigahertz (GHz), 3.3 GHz at 3.5 GHz.

Tatakbo ang MISLATEL sa pangalang Dito Telecommunity para matupad ang pangako nitong 37.03% national coverage na may average speed na 27 Mbps sa unang taon ng operasyon. Inaasahang sa ikalimang taon ng operasyon ay makokober nito ang 84.01% ng populas­yon sa average speed na 55 Mbps.

Tiniyak ng MISLATEL ang pananagutan sa paglalagak ng performance bond na nagkakahalagang P25.7 bilyon.

RODRIGO DUTERTE SONA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with