P35-M cocaine lumutang sa dagat

MANILA, Philippines — Natagpuang palutang-lutang sa karagatan ng Mauban, Quezon ang nasa P35 milyong halaga ng cocaine kahapon.

Sa ulat, dakong ala-1:00 ng hapon nang makita ng isang pamilya na nagpipiknik ang pitong bloke ng isang puting substance na palutang-lutang sa karagatan na sakop ng Sitio Bulwagin, Brgy. Cagsiay 1.

Agad na inireport sa mga otoridad ang nasabing pitong bloke na puting substance na hinihinalang cocaine na tumitimbang ng pitong kilo na nasa P35 milyon ang halaga.

Magugunita na maraming beses nang may natatagpuan na bloke ng cocaine sa mga baybayin ng Camarines Norte sa Habongan, Barangay Poblacion Cagidianao, Dinagat, at sa lalawigan din ng Quezon noong Pebrero.

Show comments