Tesda director inaresto sa ‘bomb explosives’

Sa ulat, dakong alas-4:30 ng madaling araw ay isinagawa ng Isabela City Police, 53rd Special Action Company ng PNP-Special Action Force, iba pang unit ng pulisya at tropa ng militar ang search warrant na inisyu ng korte sa bahay ng suspek sa Brgy. San Rafael, Isabela City.

Misis ng Abu sub-commander...

MANILA, Philippines — Inaresto ng mga otoridad ang isang babaeng provincial director ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) dahil sa pagtatago ng mga IED at mga materyales sa paggawa ng bomba kahapon sa Brgy. San Rafael, Isabela City, Basilan. Ang suspek ay kinilalang si Muida Hataman na umano ay misis ni Abu Sayyaf Sub-Commander Radzmir Ja­natul, na nakabase sa Basilan  at kasamahan ni Abu Sayyaf Commander Furuji Indama.

Sa ulat, dakong alas-4:30 ng madaling araw ay isinagawa ng Isabela City Police, 53rd Special Action Company ng PNP-Special Action Force, iba pang unit ng pulisya at tropa ng militar ang search warrant na inisyu ng korte sa bahay ng suspek sa Brgy. San Rafael, Isabela City.

Nakumpiska sa bahay ng suspek ang mga sangkap pampasabog kabilang ang  isang electric blasting cap, isang piraso ng 9 volt battery (HW Max ), isang piraso ng 40 MM, isang piraso ng projectile 766 MM na may wire, isang piraso ng hand held radio, apat na piraso ng cellular phone, 2 piraso ng laptop at isang Cordura sling bag.

Sinabi ni PNP Spokesman Police Colonel Bernard Banac, isasailalim sa masusing interogasyon ang suspek kung may ugnayan at gaano ito kalalim sa grupo ng ASG.

Ang pagsalakay sa bahay ng suspek ay matapos na makatanggap ng impormasyon ang otoridad hinggil sa mga pampasabog na nakatago sa bahay nito.

Nasa kustodya ng RFU 9 CIDG sa Zam­boanga City ang nasakoteng suspek na isinasa­ilalim sa masusing tactical interrogation.

Show comments