Imee hindi masaya nang makuha ang kuwarto ni Trillanes

Ito umano ang pabirong sinabi kahapon ni Marcos­ at yayayain niya si Trillanes na makisayaw sa kanya kasama ang mga Igorot para mabendisyunang mabuti ang kuwarto nito na gagamitin niya sa susunod na Kongreso.
The STAR/Boy Santos, File

MANILA, Philippines — Nais umanong pabasbasan ni Senator-elect Imee Marcos ang iiwanang kuwarto ni outgoing Senator Trillanes IV na napunta sa kanya sa isinagawang bunutan ng room assignment.

Ito umano ang pabirong sinabi kahapon ni Marcos­ at yayayain niya si Trillanes na makisayaw sa kanya kasama ang mga Igorot para mabendisyunang mabuti ang kuwarto nito na gagamitin niya sa susunod na Kongreso.

Napunta naman kay Senator-elect Christopher “Bong” Go ang iiwanang kuwarto ni Senator Gregorio Honasan at isiniwalat na hindi masaya si Marcos sa nakuha niyang kuwarto.

“Of course galit na galit nga si Sen. Imee dahil yong ang kuwartong natira sa kanya. Sabi ko naman wala nang magagawa dahil ikaw ang huling bumunot,” sabi ni Go.

Si Go rin ang nagpayo kay Marcos na pa-bendisyunan ang iiwanang opisina ni Trillanes para hindi umano ito masapian ng masamang espiritu. 

Show comments