^

Police Metro

Caretaker timbog sa P68-M shabu sa poultry farm

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nakasamsam ang mga otoridad ng nasa P68 mil­yon halaga ng shabu nang salakayin ang isang poultry farm kahapon sa Lipa City, Batangas na kung saan naaresto ang caretaker na si Eugene Fernandez.

Sa ulat, dakong alas-2:30 ng hapon nang salaka­yin ng mga otoridad ang poultry farm na matatagpuan sa Brgy. San Francisco ng lungsod sa bisa ng search warrant na inisyu  ni Judge Cynthia Mariño Ricablanca ng Regional Trial Court (RTC) ng Tanauan City laban sa suspek.

Nakumpiska sa ope­rasyon ang aabot sa 10 kilo ng shabu na itinago sa mga pakete ng kulay berdeng tea bag sa poultry farm.

Ang suspek ay isinailalim sa surveillance o­peration matapos na magsimulang magduda ang mga otoridad dito dahilan sa kabila ng caretaker lamang ay malakas itong pumusta sa sabungan na may mga pagkakataong natatalo ng P500,000.00 na naging marangya rin ang pamumuhay.

Nakumpiska rin mula sa suspek ang isang cal. 45 pistol na baril na kargado ng bala, ilang paso na may tanim na marijuana at mga drug paraphernalia.

vuukle comment

POULTRY FARM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with