^

Police Metro

Botohan ng party-list coalition sa Speakership, ‘di napagtibay

Pang-masa

MANILA, Philippines — Bagama’t nagkaroon ng botohan ang 54 miyembro ng party-list coalition kung sino ang susuportahan at iboboto bilang susunod na magiging House Speaker sa pagbu­bukas ng 18th congress ay hindi naman ito napagtibay.

Sa naganap na bilangan, pinaghahatian ni dating DFA Sec. Alan Peter Cayetano at House Speaker Panta­leon Alvarez ang anim na boto; si Cong. Allan Lord Velasco ay nakakuha ng 11 boto habang si Cong. Martin Romualdez ay nakakuha naman ng majority votes na 29. Ang koalisyon ay may kabuuan na fifty-four votes.

Kaya’t isinantabi ng liderato ng koalisyon ang botohan dahil mas piniling hintayin nila ang pasya ng Pa­ngulong Rodrigo Duterte. 

Noong oras na iyon ay umiikot sa Samar ang Pa­ngulo kasama si Cong. Romualdez at ipinakikilala sa harap ng mga heneral sa isang kampo na susunod na magiging House Speaker. Nalulugod naman si Cong. Romualdez sa pagpapakilala sa kanya ng Pangulo at nagsabing kung siya nga ang mapalad na magiging House Speaker ay magi­ging pantay-pantay ang kanyang pagtingin sa kanyang mga kapwa congressman at walang ‘second class citizen’ na inirereklamo ng mga party-list members.

vuukle comment

ALAN PETER CAYETANO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with