Nagwalang preso dedo sa mga kabaro
Ludy Bermudo (Pang-masa) - June 17, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Hindi na umabot ng buhay sa ospital ang isang 35-anyos na lalaking preso matapos itong gulpihin ng mga kasamang preso dahil hindi maawat sa pagwawala nito sa loob ng selda ng Manila Police District-Station 4, kahapon ng umaga.

Ang nasawi ay kinilalang si Billy James Jardiel Y Quesada, ng no. 1331 Quintos St., Sampaloc, Maynila na nakulong sa kasong droga matapos maaresto noong Hunyo 14 sa kanto ng Simoun at Algeciras Sts., Sampaloc, Maynila.

Patuloy pang iniimbestigahan ang ilang inmates na sangkot sa panggu­gulpi sa biktima na pansamantalang hindi pa inilalabas ang mga pangalan kung may pananagutan sa nangyari sa biktima.

Sa ulat, dakong alas-6:00 ng umaga nang magwala umano sa loob ng selda ang biktima kaya napilitang pigilan siya ng mga kasamang inmates subalit hindi umano nagpapaawat hanggang sa gulpihin na ito hanggang sa mawalan ng malay tao.

Isinugod ang biktima sa ospital at bandang alas-8:22 ng umaga nang ideklarang patay na ito.

BILLY JAMES JARDIEL Y QUESADA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with