P5.7 milyong party drugs nasamsam sa BGC
Mer Layson, Danilo Garcia (Pang-masa) - June 16, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines —  Tumataginting na P5.7-milyong ha­laga ng cocaine, ecstacy at vape liquid ang nasamsam ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na nakaimbak sa safety deposit box ng isang hotel sa Bonifacio Global City sa Taguig City, Sabado ng mada­ling araw.

Sa ulat ng PDEA-National Capital Regional Police Office, nasa 2,700 piraso ng tabletas ng ­ecstacy, 200 gramo ng cocaine at 14 na vials ng vape liquid ang kanilang nakumpiska sa isang hotel sa 5th Ave. sa naturang lugar.

Ang safety box ay nasa loob ng kuwarto na inupahan at iniwan ng drug suspek na si Domingo Uy na umano’y pinakamalaking supplier ng droga sa mga bar sa BGC.

Nahuli si Uy ng mga awtoridad noong Mayo matapos makuha ang P8.5-milyon na halaga ng droga sa kaniyang inuupahang isa pang kuwarto sa naturang hotel.

Nakikipag-ugnayan na ang PDEA sa mga hotel at iba pang katulad na establisimyento sa lugar laban sa iligal na droga na maaaring nagagamit ng mga sindikato na nagpapakalat ng party drugs.

PDEA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with