‘Alma Moreno’ kinatay sa poso negro

MANILA, Philippines — Isang 22-anyos na misis na kapangalan ng da­ting artista na si Alma Moreno ang inatado ng saksak habang naliligo sa poso negro na malapit sa kanilang bahay sa Sitio Binisitahan, Brgy.Maysalay, Goa, Camarines Sur, kamakalawa ng gabi.

Sa ulat, pasado alas-6:00 ng gabi lumabas ang biktima na si Alma Bermejo Moreno para maligo sa poso nang su­mulpot ang hindi pa ki­lalang suspek at saka pi­nagsasaksak ito ng walang kadahilanan.

Nagsisigaw ang biktima ng tulong kaya’t tumakas ang suspek na siya namang pagdating ng mga kaanak at nakita na duguan ang una na agad nilang isinugod sa ospital na kung saan ito ay idineklarang dead on arrival.

Show comments