2 lalaki na aplikante sa pagkasundalo, itinumba

MANILA, Philippines — Dead on the spot ang dalawang lalaki na sakay ng isang motorsiklo nang sila ay sundan at pagbabarilin ng mga lalaking sakay din ng motorsiklo na pinaniniwalaang te­rorista noong Sabado ng hapon sa Barangay Rebuken, Sultan Kudarat, Maguindanao.

Ang dalawang nasawi ay kinilalang sina Celso Kusain II, 25, ng Sitio Talisay, Brgy, Poblacion 1; at Glenn Mark Anthony Jumadiao, 23, ng Brgy. Sarmiento, kapwa sa bayan ng Parang, Maguindanao.

Sa ulat ng Sultan Kudarat-PNP, alas-2:40 ng hapon ay sakay ang mga biktima ng motorsiklo at sinasabing pauwi na sa bayan ng Parang nang dikitan sila ng dalawa kataong sakay ng isa pang motorsiklo at pinagbabaril na agad ikinasawi ng mga ito.

Nabatid sa imbestigasyon na mga kasapi ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters o BIFF ang nasa likod ng pag-atake sa dalawang aplikante sa pagkasundalo.

Show comments