2 bigtime ‘tulak’ tiklo sa P4 milyong droga

MANILA, Philippines — Bumagsak din sa wakas sa kamay ng batas ang dalawang sinasabing bigtime pusher ng droga sa lalawigan ng Bicol na sina Ferdinand Galang Luzaraga at Samuel Macabuhay Rivera matapos masakote sa buy-bust operation na isinagawa laban sa kanila at masamsaman ng nasa higit P4-milyong halaga ng droga, sa Camarines Sur at Albay kamakalawa ng hapon.

Sa ulat ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)-Bicol, unang naaresto si Luzaraga matapos kumagat sa operasyon ng mga pulis sa kahabaan ng Maharlika National Highway ng Brgy. Tara, Sipocot, Camarines Sur at makuhanan ito ng dalawang mala­laking sachet ng shabu na tumitimbang ng 500 gramo at nagkakahalaga ng P3.4-milyon.

Sa hiwalay namang operasyon, alas-2:35 ng hapon, tiklo rin sa operasyon si Rivera makaraang makabili ang pulis na tumayong buyer ng apat na malalaking sachet ng shabu na may timbang na 100 gramo at may market value na P680-libo, sa sa Kalye Siping, Brgy. Bonot, Legazpi City, Albay.

Ang nasamasam na droga sa dalawa ay may timbang na umabot sa 600-gramo at may streer value na P4,080,000.

Kapwa nahaharap ang dalawa sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Show comments