2 pushers dedo, 9 timbog sa buy bust sa Bulacan
Omar Padilla (Pang-masa) - May 22, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Napatay ng mga pulis ang dalawang drug pusher habang nadakip ang siyam na iba pa sa magkakahiwalay na anti-drug operations sa iba’t ibang lugar sa lalawigan ng Bulacan.

Napatay si alyas Bong Retuya, dakong alas-10:30 ng gabi nang manlaban umano sa mga pulis sa Purok 4, Brgy. Sampaloc, San Rafael; at dakong ala-1:00 ng madaling araw nang mapatay naman si Edwin Domingo, 42, sa Brgy. Muzon, San Jose del Monte nang manlaban din sa mga pulis.

Siyam naman na mga drug users ang naaresto ng Bulacan police sa iba’t ibang bayan sa Bulacan na kinilalang sina David Ramos; Recuerdo Deumania; Rosal Victorio; Rommel Francisco; Sancho Garcia; Rommel Candelaria; Reginal Felipe; Alfredo Gonzales at isang 16-anyos na babae.

ILLEGAL DRUGS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with