Sukang may asido ipaalam sa publiko -- laban consumers

MANILA, Philippines — Dapat umanong ipa­alam sa publiko ng Phi-lippine Nuclear Research Institute (PNRI) ang 15 brand ng suka na nagtatag­lay ng kemikal na umano’y makasasama sa kalusugan.

Ito ang iginiit kaha­pon ni Vic Dimaguiba, pangulo ng Laban Consumers sa halip na magpatawag ng pulong sa iba’t ibang ahensiya ay  mas mahalaga na ipabatid sa publiko ang mga sukang dapat na iwasan.

Kaya’t habang hindi pa pinapangalanan ang brand ng mga suka ay pinayuhan ni Dimaguiba ang publiko na huwag munang bumili ng suka na hindi kilala.

Matatandaan, na  kamakailan ay iniulat ng PNRI na may 14 klase ng suka na ibinebenta sa merkado ang nagtataglay ng synthetic acid o acetic acid na nakasasama sa kalusugan ng tao. Bagama’t nagbabala sa publiko ay hindi naman tinukoy ng ahensya ang mga brand ng sukang nagtataglay ng nasabing kemikal.

Show comments