Deployment ban sa Kuwait posibleng ipatupad ulit

Dahil dito, sinabi ni Labor Secretary Silvestre Bello III na isa sa option ang muling pagpapatupad ng deployment ban sa Gulf state.
File

MANILA, Philippines — Malaki ang posibilidad na ipatupad muli ang deployment ban ng household service wor-kers (HSW) sa Kuwait dahil sa isa na namang kaso ng brutal na pagkamatay ng isang Pinay sa kamay ng kanyang amo.

Dahil dito, sinabi ni Labor Secretary Silvestre Bello III na isa sa option ang muling pagpapatupad ng deployment ban sa Gulf state.

Kamakalawa ay tiniyak ni Bello na hindi nila pababayaan ang kaso ng 47-anyos na si Constancia Lago Dayag na pinatay sa Kuwait dahil bukod sa hustisya, maraming mga paglabag sa kasunduan sa pagitan ng Kuwait at Pilipinas sa protection ng overseas Filipino workers (OFWs) na lumulutang na may nagawang breach of employment contract ang amo ni Dayag.

Samantala, magbibigay ng financial aid sa pamilya ang Overseas Workers Welfare Admi-nistration (OWWA) para sa death, burial benefits, livelihood at scholarship para sa mga anak na nag-aaral pa ni Dayag, ayon sa mensaheng ipinadala ni OWWA Administrator Hans Leo Cacdac.

Matatandaang iniulat na si Dayag ay nadala pa sa Al Sabah Hospital sa Kuwait na nagtamo ng maraming pasa at hematoma at pinasakan pa ng pipino (cucumber) ang ari nito dahilan upang hindi na umabot ng buhay.

Noong nakalipas na taon ay ipinatupad na ang deployment ban sa nasabing bansa dahil sa mga pag-abuso at pagkamatay ng mga OFWs partikular nang mai-report ang pagkadiskubre sa bangkay ni Joanna Demafelis na itinago sa freezer ng kaniyang amo matapos patayin.

Show comments