^

Police Metro

FDA chief sinibak ni Duterte

Rudy Andal - Pang-masa
FDA chief sinibak ni Duterte
Sinabi ni Sec. Pane­lo na ang hakbang ng Pangulo ay may kaugnayan sa kampanya nito na linisin ang korapsyon sa pamahalaan para mapanatili ang tiwala ng publiko sa mga opisyal at tauhan ng gobyerno.
PNP Directorate for Personnel and Records Management/Website

MANILA, Philippines — Pinatalsik sa puwesto kahapon ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Director-General ng Food and Drug Administration (FDA) na si Nela Charade Puno.

Ang termination letter na may petsang May 15, 2019 ay binasa ni Presidential Spokesman Salvador Panelo at magiging epektibo agad ito sa sandaling matanggap ng opisyal ang utos ng Pangulo.

Sinabi ni Sec. Pane­lo na ang hakbang ng Pangulo ay may kaugnayan sa kampanya nito na linisin ang korapsyon sa pamahalaan para mapanatili ang tiwala ng publiko sa mga opisyal at tauhan ng gobyerno.

Inutasan ng Palasyo si Puno na i-turn-over ang lahat ng mga hawak na dokumento at mga kagamitan sa Department of Health.

Ang termination pa-per ay may lagda ni Exe-cutive Secretary Salvador Medialdea.

Tumanggi namang magbigay ng detalye si Panelo sa dahilan nang pagsibak kay Puno.

NELA CHARADE PUNO

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with