Mangingisda nagtago ng 6 bloke ng cocaine, timbog

MANILA, Philippines — Timbog sa mga otoridad ang mangingisda na unang nag-turn over ng nalambat ng 34 bloke-blokeng cocaine sa Surigao del Sur matapos na madiskubreng may itinatago pa itong anim na bloke ng droga, ayon sa opisyal kahapon.

Sinabi ni CARAGA Police Director Brig. Gen. Gilberto Cruz, ang suspek na si Ronnie Navales, 48, ay inaresto at isinailalim sa kustodya ng Tandag City Police Station.

Ayon kay Cruz, si Navales ay dating nag-turn over ng 34 bricks ng cocaine na natagpuan nitong nakalutang sa dagat noong Pebrero 23 ng taong ito .

Ang bawat isang brick ng cocaine ay nagkakahalaga ng mula P5-mil-yon hanggang P5.4-mil­yon o aabot sa kabuuang halagang mahigit P170-M ang na-turn over nito sa pulisya.

“He is now facing charges for violation of Section 11 of Republic Act 9165”, anang opisyal.

Lumilitaw sa imbes­tigasyon na sinadyang itago ni Navales ang anim pang bricks ng floating cocaine at hindi lahat isi-nurender sa pulisya matapos na sa pag-aakalang kikita ito sa pagbebenta ng droga.

Inihayag ng opisyal nang mabatid na pinaghahanap siya ng mga pulis ay isinuko ang apat pang bricks ng cocaine at ipinakuha pa umano sa inidoro ang dalawa pang bricks.

Show comments