DICT tiniyak ang mabilis na internet sa 2020

Sinabi ng kalihim na tinawag niya na 20/20 vision at sa itatayong common tower, isang konsepto na inaalok ng DICT na ang layon ay pagkakaisa at sanib-sanib ng tatlong network provider, ang Globe, Smart at third player na Mislatel, upang ibagsak ang presyo at lumiit ang cost of maintenance upang sa gayon mababa ang singil sa mga subscriber.
File

MANILA, Philippines — Sa susunod na taon ay tiniyak ni Department of Information and Communication Technology Secretary Eliseo Rio, Jr. na magkakaroon na nang maayos at episyenteng internet provider ang bansa na kung saan ay magpapabilis sa mga connectivity sa buong bansa na hihimok sa maraming investor na maglalagay ng puhunan na magiging susi sa pag-unlad ng Pilipinas.

Sinabi ng kalihim na tinawag niya na 20/20 vision at sa itatayong common tower, isang konsepto na inaalok ng DICT na ang layon ay pagkakaisa at sanib-sanib ng tatlong network provider, ang Globe, Smart at third player na Mislatel, upang ibagsak ang presyo at lumiit ang cost of maintenance upang sa gayon mababa ang singil sa mga subscriber.

Nilinaw ng kalihim na nagtakda ng P25.7- billion na performance bond na magsisilbing garantiya na tutuparin ang pinangakong super-bilis na internet sa buong bansa at maiiwasan na rin ang monopolya sa internet na nagiging daan upang pabagalin ang serbisyo.

Show comments