^

Police Metro

Trike drivers sa Malabon bibigyan ng SSS at Philhealth

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Upang mabigyan ng proteksyon ang kinabukasan ng mga tricycle drivers na bumibiyahe sa Malabon City ay isinusulong ni Malabon City Rep. Jaye Lacson-Noel ang pagkakaroon ng mga ito ng sarili nilang Social Security System (SSS) at PhilHealth accounts.

“Dapat bigyang pansin natin ang ating mga PODA at TODA lalo na ang kanilang pamilya.” ayon kay Lacson-Noel.

Sinabi pa ng kongresista na nararapat na masiguro ang kanilang kalagayan na nalalagay sa panganib sa pamamasada kaya isinusulong niya ang pagkakaroon ng PhilHealth coverage ng mga tricycle driver.

Dapat din umano na magkaroon ng SSS membership ang mga tsuper para makakuha sila ng mga benepisyo na natatanggap ng ibang empleyado tulad ng medical, disability, loan at burial.

Ilan pa sa nais ibigay ni Lacson sa mga tricycle drivers ang educational assistance sa kanilang mga anak para magkaroon ng mas magandang buhay, tulong pangkabuhayan mula sa lokal na pamahalaan at tulong sa maintenance ng kanilang mga ipinapasadang mga tricycle at pedicab.

vuukle comment

SOCIAL SECURITY SYSTEM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with