^

Police Metro

2 ‘tulak’ bulagta sa Laguna

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Dalawang sinasabing kilabot na ‘tulak’ ang napatay ng mga otoridad matapos manlaban sa isinagawang buy-bust operation sa magkakahiwalay na operasyon sa lalawigan ng Laguna nitong Sabado.

Sa report ni Laguna Provincial Police Office (PPO) Director Police Colonel Eleazar Matta, unang napatay ang pinaghihinalaang drug pusher na si Baltazar Lagunoy bandaang alas- 4:00 ng madaling araw sa Brgy. San Antonio, San Pedro ng lalawigang ito.

Si Lagunoy ay nasa drug watchlist ng pulis­ya na matagal ng mino-monitor ng anti-drug operatives ng San Pedro Police.

Nabatid pa nagbabag­sak ng droga partikular na ng shabu si Lagunoy sa San Pedro gamit ang kaniyang tricycle.

Napatay naman sa isa pang operasyon ng mga pulis si Ronnie Caagbay sa Calamba City.

Si Caagbay ay nanlaban sa mga operatiba na agad nagpaputok ng baril na mabuti na lamang ay sumablay ang unang putok kung saan mabilis namang gumanti ng putok ang mga otoridad kung saan napuruhan ito.

vuukle comment

DEAD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with