^

Police Metro

‘Adik’ ayaw magpaaresto, sinaksak ang sarili

Mer Layson - Pang-masa
�Adik� ayaw magpaaresto, sinaksak ang sarili
Bigo sa tangkang pagpapakamatay at takasan ang kasong isinampa sa suspek na kinilalang si Noel Valencia, ng Brgy. Sta. Teresita, ng naturang lungsod.
File

MANILA, Philippines — Sa pag-aakalang agad na ikasasawi upang imbes na mabulok sa bilangguan ay minabuti ng isang umano’y 58-anyos na‘adik’ sa droga ang magsaksak sa kanyang sarili nang aarestuhin na ng mga otoridad matapos maaktuhang bumabatak ng shabu sa Quezon City, kamakalawa ng gabi.

Bigo sa tangkang pagpapakamatay at takasan ang kasong isinampa sa suspek na kinilalang si Noel Valencia, ng Brgy. Sta. Teresita, ng naturang lungsod.

Batay sa ulat ng QCPD, dakong alas-7:30 ng gabi nang makaraang makatanggap ng tawag ang pulisya mula sa isang concerned citizen hinggil sa umano’y isang shabu session sa naturang lugar.

Nang ikasa ang operasyon, nahuli si Valencia sa aktong bumabatak ng shabu.

Nang aarestuhin na ng mga pulis, tumanggi ang suspek at dumampot ng isang patalim at itinarak sa kanyang tiyan.

Mabilis namang umaksyon ang mga awtoridad at dinisarmahan ang suspek, bago pa man masaktang muli ang kanyang sarili at saka dinala sa pagamutan habang nakumpiska mula sa suspek ang dalawang pakete ng shabu at drug paraphernalia.

Sa sandaling makalabas ng pagamutan, inaasahan namang ididiretso sa presinto ang suspek para ikulong at sampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o The Comprehensive Dange­rous Drugs Act of 2002

vuukle comment

KNIFE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with