2 Koreano nahulog sa gusali sa Makati... kano tumalon mula sa ikaapat palapag ng condo sa Taguig
Lordeth Bonilla (Pang-masa) - March 23, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nagpakamatay sa pa­ma­magitan nang pagta­lon mula sa ikaapat na palapag ng tinitirhang con­­­dominium sa Taguig City ang 64-anyos na si Charles Douglas Scott, American national.

Sa ulat ng Southern Police District (SPD), alas-2:20 ng madaling araw nang tumalon umano ang biktima sa kanyang condo unit sa Sapphire Building, Rosewood Pointe, Acacia Estates, Brgy. Ususan, Taguig City na bumagsak sa basement na naging dahilan ng agaran nitong kamatayan.

Samantala, sa Makati City ay natagpuan lasog ang mga katawan ng da-lawang Korean natio-nals  na sina Sangjing Kim, 38 at  Jang Jun, 35. 

Sa inisyal na imbesti­gasyon ng pulisya, alas-5:45 ng umaga nang ma­tagpuan ang bangkay ng mga biktima sa harapan ng tinutuluyan nilang hotel sa I’M Hotel na matatagpuan sa kanto ng Kalayaan at Makati    Avenue, Brgy. Poblacion.

Ayon sa pulisya nagsasagawa sila ng patrulya sa lugar nang makarinig ng malakas na kalabog at nang puntahan ay nakita ang bangkay ng dalawang biktima na lasog ang mga katawan.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa kaso kung ang dalawang Koreano ay tumalon o may naganap na foul play.

DEAD
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with