DOJ sinubpoena ang negosyanteng si Dennis Sytin

Itinurong utak sa pagpatay sa kapatid...

MANILA, Philippines — Pinapatawag ng Department of Justice (DoJ) ang negosyanteng si Dennis Sytin para dumalo sa Abril 1 at magpakita sa imbestigasyon ng DoJ panel kaugnay ng kasong pagpatay sa kanyang kapatid na si Dominic Syitin.

Sa isang pahinang subpoena na pirmado ni Senior Assistant State Prosecutor Juan Pedro Navera, mahigpit ang utos ni Navera kay Dennis na dumalo sa susunod na preliminary investigation.

Kapag hindi nagpakita ang suspek ay ikokunsidera na nila itong waiver at hindi na mabibigyan ng pagkaka­taon na makapagprisinta ng kanyang depensa sa isinasagawang preliminary investigation.

Si Dennis ay itinurong mastermind ng naarestong self-confessed gunman na si Edgardo Luib sa pagpatay sa kapatid nito na si Dominic.

Una nang nagsampa sa DoJ ng kasong murder at frustrated murder ang maybahay ni Dominic na si Ann Marietta Sytin, laban kay Dennis matapos itong ikanta ng naarestong gunman.

Bukod kina Luib at Dennis, kasama rin sa mga inireklamo sina  Oliver Fuentes alyas Ryan Rementilla na kababata si Luib.

Show comments