^

Police Metro

2 karnaper dedo nang manlaban

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Dead-on-the-spot ang dalawang notoryus na magnanakaw ng motorsiklo matapos na kumasa sa mga otoridad kahapon ng madaling araw sa Quezon City.

 

Inilarawan ang dalawang napatay na suspek na ang isa ay tinatayang nasa edad 40’s, may taas na 4’1” at ikalawa ay nasa 5’4” ang taas at kapwa ang mga ito nakasuot ng kulay itim na jacket, short at t-shirts.

Batay sa ulat, bago nangyari ang shootout dakong ala-1:30 ng madaling araw nang magresponde ang mga elemento ng Batasan Police Station (PS6) sa pamumuno ni Supt. Joel Villanueva sa isang tawag sa PNP hotline 911 hinggil sa umano’y tsina-chop chop na motorsiklo sa Brgy. Payatas.

Inireport ng concerned citizen na tumawag sa PNP hotline 911 ang presensya ng apat na kalalakihan na pumasok sa isang bakanteng lote sa Marahan     Subdivision, Sorsogon Street, Payatas B, Brgy. Payatas na may dalang dalawang motorsiklo na tsina-chop chop.

Sa pagresponde ng mga elemento ng pulisya sa lugar ay pinapasuko ang mga suspek na umano ay nagtsa-chop ng motorsiklo.

Gayunman sa halip na sumuko ay agad nagpaputok ng baril ang mga suspect na nauwi sa shootout na ikinasawi ng dalawang suspek habang nakatakas ang dalawang kasama.

 

vuukle comment

DEAD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with