21 arestado sa anti- criminality ops sa Quezon City

MANILA, Philippines — Kabuuang 21 drug suspects ang ­inaresto ng mga tauhan ng Quezon City Police District (QCPD) sa isinagawang magkakasunod na anti-illegal drugs at anti-criminality operations sa lungsod, kung saan su­gatan ang isang pulis.

Ayon kay QCPD Director P/Chief Supt. Joselito Esquivel Jr., isang buy-bust operation ang idinaos ng Cubao Police Station 7 dakong alas-12:50 ng madaling araw sa Westpoint St., malapit sa kanto ng Columbia St., sa Brgy. E. Rodriguez, Cubao, na nagresulta sa pagkakaaresto ni Peejey Palima, 19, at residente ng naturang lugar.

Nasugatan naman sa naturang operasyon si PO1 Michael Aducal, 39, matapos na manlaban si Palima habang inaaresto.

 Hinambalos umano ng suspek ang pulis ng matigas na bagay sa kanyang dibdib at sinubukang tumakas ngunit naaresto rin naman matapos ang maikling habulan.

Samantala, detenido na rin at sasampahan ng kasong paglabag sa RA 9165 ang 20 pang katao na naaresto ng mga awtoridad sa magkakahiwalay na ­operasyon at nakilalang sina Arnold Galindo, 28; John Roland Fernandez, 26; isang 16-anyos na lalaki na di pinangalanan; Albert Abando, 42; Mike Valencia, 34; Fernando Perez, 37; Hergie Manaoat, 39; Ernino Rubio, 30; Ronel Apostol, 36; Ave Rabino, 48; Marife Manaoat, 39; Federico Campomanes, 45, NDC traffic enforcer; Aaron Montilla, 23; David Prianes, 38; Fernando Zamora, 51; Ferdinand Ramirez, 28; Miriam Mangalos, 58; Rodney Baluran, 39; Joey Basilio, 47; at Erwin Aycardo, 46.

Show comments