Sa ulat, bago nangyari ang ambush dakong alas-6:10 ng gabi sa kahabaan ng highway ng Brgy. Linao, Talisay City ay lulan ng puting van ang mga biktima na galing sa San Fernando at patungo sa Brgy. Banawa, Cebu City nang paulanan ng bala pagsapit sa lugar.
Aldo Nelbert Banaynal
Kandidatong VM, 2 pa patay sa ambush
Rudy Andal, Joy Cantos (Pang-masa) - January 24, 2019 - 12:00am

Misis nitong alkalde, 2 bodyguard sugatan...

MANILA, Philippines — Patay ang tatlong katao kabilang ang tumatakbong vice mayor sa bayan ng San Fernando, Cebu habang nasugatan ang misis nitong mayor at dalawa nitong bodyguard matapos na sila ay pagbabarilin sa naganap na ambush kamakalawa ng gabi sa Brgy. Linao, Talisay City, Cebu.

Ang mga nasawi ay kinilalang sina Ricardo Reluya, barangay chairman ng Panadtaran, San Fernando na tumatakbong vice mayor ng nasabing bayan; Ricky Monterona; at Allan Bayot.

Ang mga nasugatan ay kinilalang sina San Fernando, Cebu Mayor Lakambini “Neneth” Reluya; misis ni Ricardo; dalawang bodyguards na sina Tolentin Jefer at Giovani Perez.

Si Mayor Reluya ay isang re-electionist habang ang mister naman nito ay kandidatong bise alkalde.

Sa ulat, bago nangyari ang ambush dakong alas-6:10 ng gabi sa kahabaan ng highway ng Brgy. Linao, Talisay City ay lulan ng puting van ang mga biktima na galing sa San Fernando at patungo sa Brgy. Banawa, Cebu City nang paulanan ng bala pagsapit sa lugar.

Mabilis na tumakas ang mga suspek sakay ng kulay puting Toyota Innova na sinamantala ang pagka­kagulo ng mga tao.

Ilang testigo ang nagsabi sa pulisya na bukod sa sakay ng kulay puting Toyata Innova ay kasamang tumakas ang dalawang lalaki na sakay ng isang motorsiklo na nakasuot ng kulay itim na t-shirt. Agad na ipinag-utos ni PNP Chief Director General Oscar Albayalde nang pagbuo ng Special Investiga­ting Task Force (SITG) Reluya upang resolbahin ang krimen sa lalong madaling panahon.

Kinondena ng Malacañang ang nasabing pananambang at hinihikayat ang mga kandidato na tumigil na sa aniya’y hindi maka-demokratikong pamamaraan o istilo kapalit ng pagkakamit ng tagumpay upang makuha ang poder na tinatarget na upuan.

AMBUSH
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with