Kakulangan ng flu vaccine sa Pinas pinangangambahan

MANILA, Philippines — Pinangangambahang kulangin o kapusin ang Pilipinas sa influenza vaccine o bakuna laban sa trangkaso.

Ito ang isiniwalat ni dating Philippine Society for Microbiology and Infectious Diseases President Rontgene Solante kasabay ng babala ng World Health Organization (WHO) na posibleng kumalat muli sa buong mundo ang influenza o flu ngayong taon.

Ayon kay Solante, ang pagbabakuna pa rin ang pinakamainam na paraan laban sa mga sakit na maaari namang maiwasan. Subalit sa kakulangan ng flu vaccine ay dapat nang tutukan ng gobyerno ang pagbibigay lunas sa tumaas na bilang ng nagkaka-trangkaso.

Mayroon pa anyang hanggang Abril o Mayo ang bansa bago makatanggap ang mga karagdagang vaccine supply para sa pinangangambahang pagtaas ng flu cases na kadalasang nagsisimula kasabay ng tag-ulan mula Hunyo hanggang Oktubre.

Samantala, idinagdag ni Solante na maaari pa namang gamitin ang mga nalalabing bakuna subalit kailangan nang maglatag ng hakbang ang Department of Health (DOH) sa tumaas na bilang ng mga pasyenteng nagkaka-trangkaso.

Show comments