^

Police Metro

Sekyu pinatay habang nagbabantay

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines — Isang 27-anyos na security guard ang pinatay sa saksak ng mga hindi pa kilalang mga suspek habang ito ay naka-duty sa binabantayang establisyimento, kahapon ng umaga sa San Marcelino St., Ermita, Maynila.

Ang biktimang nasawi ay kinilalang si Nestor Chiao, stay-in security guard sa Major Home Space at tubong Roma San Joaquin, Iloilo City.

Batay sa ulat, dakong alas-6:45 ng umaga nang madiskubreng patay ang biktima ng karelyebong si Dandreb Pascua na duguang nakabulagta sa sementadong ground floor ng gusaling binabantayan. Nawawala ang service firearm, cellphone at hand-held radio ng biktima na pinaniniwalaang tinangay ng mga suspek.

Nakita pa sa logbook na nakapag-record pa ang biktima kaya posibleng madaling araw na naganap ang pamamaslang.

Huling nakitang buhay ang biktima ni Pascua, noong Sabado ng alas-7:07 ng gabi nang iwan niya ang duty sa biktima.Ang biktima ay nakitaan ng maraming tama ng saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Bukod sa robbery with homicide ay lumutang ang isang anggulo na ang biktima ay may nakaaway sa nasabing gusali matapos na sitahin sa pagnanakaw noong Oktubre.

Nang mangyari umano iyon ay ipinalipat na ng management sa isa pang establisyemento sa Quezon City.

Nagtataka ang kapatid ng biktima bakit ibinalik ito doon sa nasabing establisyimento gayung may nakaaway na nga ito.

vuukle comment

NESTOR CHIAO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with