Bukod sa dating gobernador, sinampahan din ng kaparehong petis­ yon ang nasibak na vice mayor ng Cabana­tuan City na si ­Emmanuel Anthony Umali na naghain ng kandidatura bilang bise gobernador ng probinsya.
Bukod sa dating gobernador, sinampahan din ng kaparehong petis­ yon ang nasibak na vice mayor ng Cabana­tuan City na si ­Emmanuel Anthony Umali na naghain ng kandidatura bilang bise gobernador ng probinsya.
Philstar.com, File
Mag-utol na Umali, 3 pa pinagbawalang kumandidato ng Ombudsman
Doris Franche-Borja (Pang-masa) - January 17, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Hinatulan ng Office of the Ombudsman si dating Nueva Ecija Governor Aurelio “Oyie” Umali ng “perpetual disqualification” dahil sa pork barrel fund scam.

Bukod sa dating gobernador, sinampahan din ng kaparehong petis­ yon ang nasibak na vice mayor ng Cabana­tuan City na si ­Emmanuel Anthony Umali na naghain ng kandidatura bilang bise gobernador ng probinsya.

Pinadalhan ng Ombudsman ang Comelec ng kopya ng hatol na “perpetual disqualification” laban kay Umali hinggil sa kasong malversation of public funds at violation of section 3(e) ng Republic Act 3019 o ang anti-graft and corrupt practices act kaugnay sa pakikipagsabwatan nito sa mga bogus na foundations ni Janet Lim Napoles.

Magugunita na noong Nobyembre 26, 2018 ay naghain ng petisyon sa Commission on Elections (Comelec) si Virgilio Bote, kandidato sa pagka-gobernador ng Nueva Ecija, upang hilinging ibasura ang certificate of candidacy (COC) ni Umali.

Ganun din si Board Member Edward Thomas Joson na kandidato rin sa pagka-bise gobernador na ibasura ang COC ng nakababatang Umali dahil sinibak ito ng Ombudsman noong March 7, 2018 at isinilbi ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang dismissal nito bilang bise alkalde ng Cabanatuan City noong May 22, 2018

Ibinasura ang motion for reconsideration (MR) ni Umali noong September 29, 2017 at pinasasampa na sa Sandiganbayan ang kaso nito na may kaakibat na parusang hanggang 40 taong pagkakakulong.

Kaya’t sa hatol ng Ombudsman na perpetual disqualification ay pina­dedeklarang “ineligible” ang magkapatid na Umali na tumakbo sa anumang posisyon sa gobyerno.

Bukod sa magkapatid na Umali ay pinadedeklarang “ineligible” at pinade-deny ang kandidatura sa Comelec nina Ramon “Suka” Garcia (mayoralty candidate ng Cabanatuan City); Gabriel Calling (vice mayoralty candidate ng Cabanatuan City); at Imee De Guzman, ma­yoralty candidate sa bayan ng Sto. Domingo, Nueva Ecija.

OMBUDSMAN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with