Pari kulong sa paninipa ng dalagita

MANILA, Philippines — Inaresto ng pulisya ang paring si Rev.Fr.Decoroso Olmila, 61, kura paroko ng Nativity Parish matapos na ireklamo ng paninipa ng 15-anyos na dalagita na anak ng kanyang kusinera dahil lang hindi napakain ang alaga nitong aso sa Mandaue City, Cebu kamakalawa ng hapon.

Pinagsisipa ng pari sa tiyan ang dalagita kung saan humingi ang biktima ng tulong sa mga residente sa lugar na siyang nagsama rito at sa kaniyang ina

Kasalukuyang humihimas ng rehas na bakal ang pari na nahaharap sa kasong child abuse.

Show comments